|
||||||||
|
||
Pagdinig sa isyu ng money laundering, itinuloy
PHOTO NO. 1 - MONEY-LAUNDERING ISSUE, SINISIYASAT PA. Makikita si Senador Teofisto Guingona III (gitna) na nakikinig sa pahayag ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto (pangalawa mula sa kanan) kasama rin si Senate Majority Leader Allan Peter Cayetano (pangalawa mula sa kanan) at iba pang mga senador samantalng sinuspinde ang sesyon kaninang hapon. Hiniling ng mga mambabatas na magsagawa ng executive session upang matuklasan ang sinasabing hiwaga sa pagpasok ng US$ 81 miljoen mula sa Bank of Bangladesh. (Alex Nueva Espana/PRIB-Senate)
DUMATING sa Senado ang branch manager ng East West Bank sa Bonifacio Global city na nadawit sa US$81 milyong money-laundering scheme.
Lumabas ang pangalan ni Allan Penalosa sa pagdinig noong Martes sa Senate Blue Ribbon Sub-Committee ng ituyo ng negosyanteng si William So Go na nag-ayos ng kanilang pulong ni Rizal Commercial Banking Corporation branch manager Maia Santos-Deguito.
Nabatid na tumulong si Deguito na mabuksan ang bank accounts ni Go at apat na iba pang depositor na tumanggap at nag-withdraw ng US$ 81 milyon na diumano'y nakaw mula sa Bank of Bangladesh at pinakalat sa Philippine financial system.
Sa sinasabing pagpupulong na dinaluhan ni Deguito, sinabi ni Go na inamin umano ng bank manager na nagbukas siya ng bank account sa kanyang pangalan. Idinagdag pa ni Go na inalok pa siya ni Deguito ng P 10 milyon na sumang-ayon na lamang sa panukalang pagsasabwatan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |