![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Korte Suprema, tinanggihan ang kahilingan ng Comelec
NAGDESISYON na ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa botong 12-0 kanina at pinawalang-saysay ang kahilingan ng Commission on Elections at sinabing kailangang maglabas ng resibo para sa mga botante sa darating na halalan sa Mayo a-nuebe.
Pinalabas ang desisyon matapos ginawang oral arguments na kinatampukan ng pagpapakita kung paano magagamit ang vote counting machines. Nagtagal lamang ng 30 minuto ang paghihintay sa desisyon.
Isang makina ang nagpakita ng on-screen verification samantalang ang isa pang makita naayos upang magkaroon ng on-screen verification at mag-limbag ng resibo.
Pinamunuan nina Commissioner Christian Robert Lim at Marlon Garcia, project manager ng Smartmatic Philippines ang pagpapakita ng gamit ng vote counting machines.
Ayon kay Commissioner Lim, sa unang VCM, tatagal ng 15 segundo upang makita ang onscreen verification kung natanggap o hindi ang boto.
Sa ikalawang VCM, magtatagal ng 60 segundo o isang minuto para sa on-screen verification at paglimbag ng resibo. Sinabi ni Commissioner Lim na ang bawat clustered precincts ay mayroong 800 botante kaya't magkakaroon ng dagdag na 13 oras bilang dagdag sa initialization ng VCMs na 15 minuto sa bawat 200 balota.
Idinagdag pa ng commissioner na mangangailangan ng pagpapalit ng thermal paper at posibilidad na magkaroon ng paper jam. Magkakaroon din ng security features ang resibo, kasama na ang bilang ng balota at presinto.
Sa pagtatanong ng mga mahistrado, sinabi ni G. Lim na posibleng matuloy pa rin ang halalan kung maidaragdag ito sa sistema, kung hindi gagalawin ang source code. Hindi na umano kailangang baguhin ang source code at makagagawa ng SD cards upang makapag-imprenta ng mga resibo.
Kung idaragdag ang mga pagbabago na magsasama ng garantiyang titiyak sa seguridad, maidaraos ang halalan sa ika-23 ng Mayo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |