![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
RCBC Branch Manager, lalong nadiin sa kontrobersya
MAY P 20 milyon pinaniniwalaang bahagi ng US$ 81 milyon pondong ninakaw sa Bangladesh Bank ang ikinarga sa sasakyan ni Maia Santos-Deguito, ang branch manager ng Rizal Commercial Banking Corporation.
Ito ang sinabi ni Romualdo Agarado, dating customer service head ng RCBC Branch sa Jupiter Street sa Makati City sa kanyang pagharap sa pagdinig ng Senate blue ribbon subcommittee hinggil sa sinasabing money laundering scheme na nakalusot sa Philippine financial system.
Sinabi ni Agarado na personal niyang nakita ang P 20 milyong cash na nakalagay sa paper bag na isinasakay sa kotse ni Deguito noong ika-lima ng Pebrero ng dumating ang inward remittance sa ngalan ng negosyanteng si William Go ang dumating naman sa bangko.
Noong hapon ng ikalima ng Pebrero, sinabi ni Agarado na ang assistant manager ng bangko na nangangalang Angela Torres ang humingi ng P 20 milyon sa cash center.
Idinagdag ni Agarado na pagsapit ng ikalima't kalahati ng hapon, dumating ang armoured van mula sa cash center. Bibilangin umano nila ang salaping hiniling mula sa cash center. Inilipat niya at ni Asst. Manager Torres ang salapi sa bank teller.
Pagsapit ng ika-anim at kalahati ng gabi, inilagay ang salapi sa isang kahon at binilang na muli at inilagay sa silid ni Gng. Deguito. May kausap umano sa mobile phone ang kanilang amo noon.
Inilipat naman ng kanilang messenger ang salapi mula sa karton patungo sa isang paper bag na ikinarga sa sasakyan ni Deguito sa tulong ng assistant branch manager.
Personal na nakita ni Agarado ang paglilipat ng salapi tungo sa kotse ni Gng. Deguito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |