|
||||||||
|
||
Pagtutulungan ng mga ahensya at sektor, mahalaga sa halalan
NANINIWALA sina Atty. Romulo Macalintal, isang bantog na election lawyer, National Movement for Free Elections (NAMFREL) secretary-general Eric Jude Alvia at Atty. Takahiro Kenjie Aman, Director for Media Affairs ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na kailangang magtulungan ang iba't ibang sektor upang mapanatili ang isang kapani-paniwalang halalan.
PAYAPA ANG HALALAN HANGGANG SA MATAPOS ITO. Sinabi ni Election lawyer Romulo Macalintal na maayos ang hallan hanggang sa magsabi ang mga natalong kandidatö na nadaya sila. Kailangang matiyak na malinis at maayos ang darating na halalan, dagdag pa ng abogado. (Melo M. Acuna)
Sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga, ayon ay Atty. Macalintal, may 18,000 mga posisyon ang nakataya sa darating na halalan ay sa pagkakaroon ng tatlong kandidato sa bawat posisyon, may 18,000 ang magiging masaya sa kanilang pagwawagi at mayroong 36,000 magsasabing nabiktima sila ng dayaan.
Pagkatapos ng halalan ay maraming lalabas na kwento ng dayaan at hindi nabibigyan ng pansin ang tunay na nagaganap sa bawat eleksyon.
AKTIBO ANG NAMFREL SA DARATING NA HALALAN. Tiniyak ni Eric Jude Alvia ng NAMFREL na makikipagtulungan sila sa iba't ibang sektor pang matiyak na malinis ang halalan. Hindi nakasama sa larawan si Atty. Takahiro Kenjie Aman ng LENTE, isa ring election watchdog sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat."
Para kay G. Alvia, natutuwa sila sapagkat natanggap na nila ang kanilang accreditation bilang citizens' arm kamakailan at naghahanda na silang mabuo ang pambansang kilusan. Mahalaga ang pananaw ng publiko sa darating na halalan sapagkat sa oras na maniwala ang madla ng may dayaan, maaaring maging mitsa ito ng kaguluhan.
Maganda ang nagaganap ngayon sapagkat may mga dokumentong hinihiling ang batas mula sa Comelec upang matiyak na tugma ang ibinoto sa lalabas na listahan mula sa vote counting machines. Ito rin ang nararapat lumabas sa screen matapos ang labing-limang segundong pagbabasa ng makina sa balotang isinubo ng botante.
Sa panig ng Legal Network for Truthful Elections, sinabi ni Atty. Aman na nakabantay sila upang matiyak na malinis ang halalan. Noong mga nakalipas na panahon, maayos ang halalan sa Mindanao sapagkat inayos na bago pa man sumapit ang eleksyon. Mayapa rin ang eleksyon sapagkat natakot na ang mga taong maninindhigan.
Ipinaliwanag pa ni Atty. Aman na ang isang matuwid na halalan ay ayon sa International Law at Human Rights, sa pagkakaroon ng tunay na mga halalan nakatatagpuan ng accountability, transparency, malawakang nilalahukan ng mga mamamayan at magiging kapani-paniwala para sa madla.
Kung hindi aayon sa pamantayang ito, tiyak na pagdududahan ang alinmang halalan, dagdag pa ni Atty. Aman.
Marapat na magtulungan ng iba't ibang sektor upang matiyak na maayos ang halalan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |