|
||||||||
|
||
SA likod ng kontrobersyang bumabalot sa US$ 81 milyong money laundering scheme, sinabi ng Malacanang na sa pagtugon ng pamahalaan, mananatiling responsableng kasapi ng pandaigdigang komunidad ang Pilipinas.
Sinabi ni Communications Undersecretary Manolo Quezon na nagtutulungan ang mga nasa pamahalaan upang manatili ang transparency at gagawa ng kaukulang hakbang upang huwag ng maulit pa ang insidente.
Kumilos umano kaagad ang Anti-Money Laundering Council at Court of Appeals at nakita kung paano napigil ang paglabas ng pondo.
Ipinakikita lamang ng Pilipinas na isang responsible kasapi ng international community.
Ginagawa na ng Senado ang imbestigasyon sa cross-border electronic fraud at money laundering scheme kaya't nakapasok ang US$ 81 milyon sa loob ng financial system na kinatagpuan ng Rizal Commercial Banking Corporation sa gitna ng kontrobersya.
Ani G. Quezon, walang dapat ikabahala ang mga depositor sapagkat sapat ang seguridad at integridad ng Philipppine banking systems.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |