|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
May sapat na kuryente para sa halalan
NANINIWALA si Energy Secretary Zenaida Monsada na sapat ang kuryente para sa darating na halalan. Ito ang kanyang sinabi sa pagdinig ng House Committee on Energy na pinamunuan ni (Mindoro) Congressman Reynaldo Umali.
Umaasa rin si Secretary Monsada na walang magaganap na forced outages na makapipinsala sa power transmission.
Samantala, sinabi ni Deputy Assistant Chief Santiago Dimaliwat ng National Frid Corporation of the Philippines na manipis ang water reserve sa Mindanao ngayong Abril sapagkat nag-iipon ng sapat na tubig upang magamit ng mga hydropower plants pagsapit ng halalan.
Sinabi naman ni Cynthia Alabanza, tagapagsalita ng NGCP na ang reserve outlook sa island groups ay sapat para sa araw ng halalan, may 2,200 megawatts reserve para sa Luzon, 190 MW reserve sa Visayas at 373 MW reserve sa Mindanao.
Ayon kay Jerome Matas ng tanggapan ni Comelec Chairman Andres Bautista na ang vote counting machines ay may bateryang tatagal ng 14 na oras. Ang problema ay ang mga laptop na gagamitin sa canvassing ay tatagal lamang ng tig-aapat na oras.
Para kay Ferdinand Geluz, MERALCO vice president, 96% na sila sa kanilang mga inaayos na mga linya ay tapos na at matatapos na ang lahat sa darating na ika-siyam ng Mayo.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |