|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bigas, hindi dahas ang kailangan ng mga magsasaka

BIGAS, HINDI DAHAS. Ito ang sinabi ni Fr. Jerome Secillano (dulong kaliwa) matapos dumalaw sa kanyang tanggapan ang mga magsasakang mula sa Kidapawan, North Cotabato kahapon ng hapon. Dala ng mga magsasaka at mga NGO ang kinalabasan ng fact-finding mission ng iba't ibang sektor sa madugong pagbuwag sa barikada ng mga magsasaka sa North Cotabato noong unang araw ng abril. (File Photo/SENATE PRIB)
NANINIWALA si Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Office for Public Affairs na nangangailangan ang mga magsasaka ng ibayong paggalang sa kanilang paghahanap ng tugon sa kanilang pagkagutom at kahirapan.
Walang karapatan ang mga alagad ng batas na paputukan sila sapagkat wala naman sa kanilang lumalabag sa batas. Ito ang kanyang pahayag matapos dumalaw ang mga magsasaka mula sa Kidapawan, North Cotabato kahapon ng hapon at nagdala ng kinalabasan ng multi-sectoral fact-finding mission sa madugong dispersal operations noong unang araw ng Abril.
Ang paggamit ng dahas at patuloy na panggigipit sa mga magsasaka ay nararapat lamang kondenahin. Hindi panganib ang mga magsasaka sa lipunan at karapat-dapat lamang na hayaang mamuhay ng payapa, dagdag pa ni Fr. Secillano.
Kung ang mga pulis at militar ang nagiging panganib sa mga magsasaka, obligasyon ng pamahalaang ipagtanggol ang mga naaapi at mga aba.
Sinusuportahan ng kanilang tanggapan ang mga magsasaka at hindi ang kanilang dinadalang idolohiya. Sinusuportahan ng simbahan ang kahilingan ng mga mamamayan at hindi mga kaisipan, dagdag pa ni Fr. Secillano.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |