Progresibong obispo, namayapa na
PUMANAW na si Infanta Bishop Emeritus Julio Xavier Labayen sa edad na 89. Si Bishop Labayen ang isa sa mga kinikilalang nanindigan sa katarungang panglipunan at pagkontra sa batas militar ni Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.
Pumanaw si Bp. Labayen kaninang bago sumapit ang ika-pito ng umaga. Isinilang noong ika-23 ng Hulyo, 1926 sa Talisay, Negros Occidental at na-ordenan sa pagkapari mula sa Order of Discalced Carmelites noong ika-apat ng Hulyo 1955 at naging obispo ng Infanta noong ika026 ng Hulyo 1966.
Naglingkod si Bp. Labayen bilang unang director ng CBCP National Secretariat for Social Action, Justice and Peace noong 1966 hanggang 1982. Sinimulan niya ang Impact Magazine na tumuligsa sa mga pag-abuso ng liderato ni Pangulong Marcos.
1 2 3 4 5 6