Pagboto sa loob ng malls, 'di na matutuloy
HINDI na matutuloy ang inakalang pagboto ng mga mamayan sa loob ng shopping malls sa darating na Mayo a-nuebe. Unang nagdesisyon ang Comelec noong ika-sampu ng Marso na pinapayagan ang pagboto sa malls upang maibsan ang bilang ng mga mamamayang magtutungo sa mga paaralan.
Sinabi ni Chairman Andres Bautista na nagkaroon umano ng 4 laban sa 3 boto na nagdesisyong huwag nang ituloy pa ang mall voting. Kahapon umano nagbotohan mula sa 6 laban sa 1, naging apat laban sa tatlo kaya't 'di na matutuloy ang mall voting.
Baka umano matuloy na ang mall voting sa susunod na halalan sa 2019.
1 2 3 4 5 6