Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Proklamasyon ng National Board of Canvassers, tuloy na

(GMT+08:00) 2016-05-30 18:30:44       CRI

Papasok na administrasyon, maraming nararapat gawin

MALAKI ang inaasahan ng mga bumoto kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Pangalawang Pangulong Leni Gerona Robredo kaya't nararapat lamang matumbasan ng dalawa ang kanilang mga ipinangako sa kanilang hiwalay na kampanya.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga, sinabi ni dating Senador Francisco S. Tatad na hindi basta mababago ang Saligang Batas sapagkat maraming nararapat na pag-aaral at pagsusuring gagawin, partikular kung sino ang magbabago nito. Binanggit din niyang kailangan ang pagdalo sa mga nangungunang isyu ng bayan bukod sa droga at kriminalidad.

Para kay Prof. Vladimir Mata, chief executive officer ng Share an Opportunity PH, isang non-government organization na nananatiling may apat na milyong kabataan ang walang sapat na palikura, apat na milyong kabataan ang biktima ng child labor samantalang may lima't kalahating milyong mga kabataan ang walang sapat na pagkakataong makapag-aral.

Para kay Malou Tiquia, niliwanag niyang nasa kampo siya ni Vice President Jejomar C. Binay at ni Congresswoman Leni Robredo noong nakalipas na kampanya. Ani Bb. Tiquia, halos lahat ng aklat sa kampanya ay maitatapon o maitatabi na lamang sapagkat hindi kailanman nagkaroon ng ganitong kalakaran sa halalan sapagkat dalawang outsider ang nahalal sa panguluhan at pangalawang panguluhan.

Ani Bb. Tiquia, si G. Duterte ay tila nag-aatubili pang tumakbo sa panguluhan tulad rin ni Gng. Robredo. Ang nakagugulat ay 'di pa nababatid ang kalalabasan ng halalan bago sumapit ang 90 araw na pangangampanya ng mga kandidato sa pambansang posisyon.

Si Gng. Robredo ay nagmula sa halos walang rating hanggang sa naungusan ang ibang mga kandidato sa pagkapangalawang-pangulo sa pagtatapos ng halalan.

Binanggit naman ni dating Senador Tatad na tila nakagugulat na kung ano ang sinabi ng surveys ang siyang lumabas sa halalan. Ipinagtanong niya kung nagkataon lamang ba o naging pagkukundisyon ang survey results.

Para kay Gng. Linda Olaguer-Montayre, isa sa mga namumuno sa Solidarity for Sovereignty, isang kapulungan ng mga mamamayan, walang saysay ang halalan sapagkat ipinagkatiwala ng Pilipinas, partikular ng Commission on Elections sa isang banyagang kumpanya na nagngangalang Smartmatic na naging kontrobersyal mula pa noong 2010, 2013 at hanggang ngayong 2016.

Sinabi naman ni Engr. Bert Suansing na makabubuting magkatotoo ang mga pahayag ni G. Duterte na aayusin ang traffic at kriminalidad sa bansa. Bagaman, sinabi na ni Engr. Suansing na maniniwala ang karamihan ng mga mamamayan kung madarama na ang pagbabago.

Idinagdag pa ni Bb. Tiquia na magdedeklara na ng krisis sa trapiko at kriminalidad si G. Duterte kaya't mabibigyan ng pansin ang nangungunang problema ng taga-Metro Manila.

Para kay Gng. Montayre, may iba't ibang balak ang Aquino Administration upang maiwasang makulong si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na ayon sa isang kamag-anak na abogado ay 'di bababa sa 26 na taong pagkakabilanggo sa dami ng mga paglabag sa batas na ginawa sa loob ng nakalipas na anim na taon.

Para kay Senador Tatad, inapi-api ng Aquino Administration ang nabubuhay pang Interior and Local Government Secretary Jessie Robredo kaya't may mga taong naniniwalang pinaslang ang tanyag na kasapi ng gabinete.

Isang paraan ng pang-aapi ang pagbalam ng kanyang kumpirmasyon sa Commission on Appointments at ang pagbibigay ng local government branch sa kanya samantalang ang peace and order ay nakarating sa balikat ni Undersecretary Rico Puno na isang matalik na kaibigan ni Pangulong Aquino.

Marapat at inaasahan lamang ang desisyon ni Pangulong Duterte na huwag bigyan ng posisyon sa administrasyon si Vice President Robredo sapagkat hindi naman niya kasama sa partido.

Sinabi ni Bb. Tiquia na hindi umano sapat na dahilan upang sumama ang loob ng Gng. Robredo sapagkat hindi lamang siya ang nakatanggap ng ganitong pagtrato.

Ipinaliwanag naman ni G. Tatad na noong panahon ni Pangulong Carlos P. Garcia, walang trabaho si Vice President Diosdado Macapagal kaya't ginugol niya ang apat na taon sa paglalakbay sa buong bansa upang mangampanya para sa panguluhan.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>