|
||||||||
|
||
160526melo.mp3
|
Malawakang balasahan, naka-amba sa ilalim ni G. Duterte
SINABI ni G. Rodrigo Duterte, ang nakatakdang humalili kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, na magpapatupad siya ng malawakang balasahan sa pamahalaan sa oras na maluklok siya sa darating na huling araw ng Hunyo.
Sa isang press conference na ginawa kaninang ika-apat ng umaga sa Davao City, sinabi ni G. Duterte na nakatakdang gawin ang balasahan sa Philippine National Police, Natiobal Bureau of Investigation at sa Bureau of Corrections.
Ayon kay G. Duterte, sinasabihan na niya ang mga kawani sa Muntinlupa na magbalot na ng kanilang kagamitan. Tumagal ang press conference ng higit sa dalawang oras.
Ang balasahan ay hindi lamang para sa mga opisyal at kasama rin ang mga janitor. Kakausapin na umano niya si Chief Supt. Ronaldo dela Rosa, ang napipintong pinuno ng Philippine National Police sa nalalapit na balasahan.
Ang hindi lamang umano gagalawin ni G. Duterte ay ang militar. Maayos din daw ang gawa ng Philippine Army. Walang gasinong mga sagupaan.
Gagawin ang balasahan sa law enforcement agencies kasunod ng pagkasawi ng lima katao sa isang summer concert party sa Pasay City noong ika-21 ng Mayo.
Nagkaroon umano ng failure of intelligence, dagdag pa ni G. Duterte.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |