|
||||||||
|
||
160524melo.mp3
|
Bilangan ng boto para sa pangulo at pangalawang pangulo magsisimula na
SISIMULAN na bukas ng mga mambabatas ang pagbibilang ng boto para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo sa "joint session" ng kongreso. Dinala ng mga sasakyan ng militar ang mga urna mula sa Senado patungo sa House of Representatives mga ika-anim ng umaga kanina.
May 129 na urna ng mga balota na naglalaman ng certificates of canvass at 499 na ballot boxes ang nasa tabi ng plenary hall ng Kongreso. Ayon kay Executive Director Col. Isabelito Flores ng Legislative Security Bureau, bantay-sarado ang mga dokumentong ito. Tinanggap na ng House of Representatives ang may 58 sobre na naglalaman ng certificates of canvass.
Isang tally board para sa presidential at vice presidential election results ang inilagay sa may bungad ng plenary hall na pagdarausan ng bilangan.
Kaninang ikalawa ng hapon, nagtipon na ang mga mga senador at mga kongresista upang ipasa ang mga alituntunin ng pagbibilang. Sa ilalim ng Saligang Batas Saligang Batas, ang kongreso sa pagkakaroon ng joint session ang magbibilang ng mga boto mula sa board of canvassers ng bawat lungsod at lalawigan. Kongreso din ang magdedeklara ng nagwaging pangulo at pangalawang pangulo.
Ayon sa unofficial count ng electronically transmitted votes, nangunguna at napipintong magwagi si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng Partido Demokratikong Pilipino.
Samantala si Camarines Sur Congresswoman Ma. Leonor "Leni" Robredo na napipintong magwaging pangalawang pangulo ang hinahabol ng kanyang kalabang si Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na naiwan ng may 200,000 boto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |