Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mas magandang relasyon ang inaasahan ni Ambassador Zhao

(GMT+08:00) 2016-05-25 18:24:08       CRI

UMAASA si Ambassador Zhao Jianhua na higit na gaganda ang relasyon ng Tsina at Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Davao City Mayor at incoming President Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam sa University of the Philippines kanina, sinabi ni Ambassador Zhao na nag-usap na sila ni G. Duterte sa kanyang pagdalaw sa Davao City kamakailan.

AMBASSADOR ZHAO AT UP PRESIDENT PASCUAL, LUMAGDA SA DEED OF DONATION.  Lumalagda sa "deed of donation" sina Chinese Ambassador Zhao Jianhua at UP President Alfredo E. Pascual matapos ipagkaloob ng Chinese Embassy ang may 30 computers at printers at may 200 mga aklat para sa mga propesor ng pamantasan.  Nasunog ang UP Faculty Center kamakailan kaya't tumulong naman ang Chinese Embassy sa Pilipinas.  (Melo M. Acuna)

Maganda ang naging pag-uusap at nagpalitan ng pananaw hinggil sa ikabubuti ng relasyon ng dalawang bansa. Idinagdag pa ni Ambassador Zhao na naniniwala siyang may magandang prinsipyo si G. Duterte at nagtataglay ng uri ng lideratong maasahan sa pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Napag-usapan din nila ang isyu ng mga mangingisdang Filipino at napuna ni Ambassador Zhao na mayroong pagtatangi si G. Duterte sa kalagayan ng mga mahihirap tulad ng mga mangingisda. Ipinaliwanag ni Ambassador Zhao na sa pamamagitan ng diplomasya, obligasyon ng bawat pamahalaan na mapa-unlad ang kalagayan ng kani-kanilang mga mamamayan.

MGA DONASYONG AKLAT IPINAGKALOOB SA UP.  Ibinigbigay ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua ang isang aklat bilang ala-ala kay UP President Alfredo E. Pascual sa simpleng seremonya sa Diliman, Quezon City.  (Melo M. Acuna)

Ikinatuwa ni Ambassador Zhao na binuksan ni G. Duterte ang daan sa pagkakaroon ng "direct bilateral talks" sapagkat ito ang pinaniniwalaan ng kanyang bansa na ang anumang mga 'di pagkakaunawaan ay malulutas sa pamamagitan ng tuwirang pag-uusap. Sinabi umano ni G. Duterte na baka tumagal ng dalawang taon ang pagsisimula ng pag-uusap.

Nabanggit na umano ni Chairman Mao noon na ang sampung libong taon ay napakatagal at naninawala siyang matagal ang dalawang taon kaya't gamitin na ang pagkakataon at ang oras ngayon.

Sa tanong kung inanyayahan niyang dumalaw sa Tsina si G. Duterte sa madaling hinaharap, sinabi ni Ambassador Zhao na napakaaga pa at napapanahon ang pagpapa-anyaya matapos maluklok sa liderato ang bagong halal na pinuno ng bansa.

Hindi pa nila natitiyak kung magkakaroon ng mga diplomatang aanyayahan sa inagurasyon ng bagong pangulo sapagkat nababasa niya sa mga pahayagan na tila kakaiba ang gagawing inagurasyon sa ika-30 ng Hunyo.

Dumalaw sa University of the Philippines si Ambassador Zhao Jianhua upang pormal na ipagkaloob ang donasyong 30 computers at printers at may 200 mga aklat bilang tugon sa pangangailangan ng mga propesor na nasunugan ng kanilang tanggapan kamakailan.

UP PRESIDENT PASCUAL, NAGPASALAMAT.  Mahalagang bagay para sa University of the Philippines ang donasyon mula sa Chinese Embassy sa Maynila.  Ito ang sinabi ni UP President Alfredo E. Pascual sa kanyang mensahe sa pagkakalob ng mga aklat, computer at printers para sa UP Faculty.  (Melo M. Acuna)

Kinausap din niya ang mga iskolar ng Chinese Ambassador sa University of the Philippines sa tangapan ni UP President Alfredo E. Pascual. Sumaksi rin sa okasyon ni UP Diliman Chancellor Michael L. Tan.

Sa kanyang talumpati, may mga scholarship programs para sa mga mag-aaral sa University of the Philippines, sa Philippine Normal University at maging sa Ateneo de Manila University.

Ibinalita rin niyang magkakaroon ng scholarship para sa dalawang propesor ng University of the Philippines sa Tsina na masasaklaw ang pamasahe sa eroplano, tuition fees, mga aklat, food allowance at salaping kailangan kaya't hindi na kailangan pang maghanap ng part-time job.

Sinabi ni Ambassador Zhao na binanggit na ni Chairman Mao na madali para sa isang tao na gumawa ng isang bagay na mabuti sa kanyang buhay subalit higit na mahirap na gumawa ng kabutihan sa kanyang buong buhay.

1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>