|
||||||||
|
||
160607melo.mp3
|
Pagpupulong hinggil sa clean energy, sisimulan bukas; protesta, nakakasa
MAGSASALITA si Asian Development Bank President Takehiko Nakao sa pagbubukas ng panimulang plenaryo ng pangtaunang Asian Clean Energy Forum na napapanahon kasunod ng 2015 global agreement upang hadlangan ang pagbabago sa klima sa Paris sa Francia.
Magsasalita rin si Rachel Kyte, chief executive officer at Special Representative for Sustainable Energy ng United Nations Secretary-General samantalang lalahok din sa mga panauhin si US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg.
Ayon sa ADB, sa paglagda ng mga bansa sa Paris Climate Agreement, natutuon na ang pagtingin kung paano mapapatotohanan ang mga ipinangako at paggamit ng angkop na teknolohya, polisiya at regulasyon na kabibilangan ng paggamit ng salapi.
May mga tagapagsalita mula sa iba't ibang sektor na magbabahagi ng kani-kanilang mga pananaw at karansan sa mga hamong hinaharap ng mga bansang nasa Asiya at Pasipiko.
Samantala, mayroong protestang gagawin ang mga kinatawan ng iba't ibang samahan tulad ng NGO Forum on ADB, Freedom from Debt Coalition at Philippine Movement for Climate Change na naniniwalang sa nakalipas na 11 taon ng Asia Clean Energy Forum, patuloy pa ring tinutustusan ng bangko ang maruruming pinagmumulan ng enerhiya nang walang anumang pagbabago sa kalararan ng operasyon.
Sa Asian Development Bank umano nagsisimula ang kapital para sa mga coal fired power plants na ginastusan ng may US$ 1.8 bilyon mula noong 2007. Mali umano ang mga isinusulong na solusyon ng bangko sa pagbabago sa klima sa pagsuporta sa carbon capture at storage activities.
Mananawagan ang mga NGO na pagtuunan ng pansin ng ADB ang renewable energy.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |