|
||||||||
|
||
Droga at alak, natagpuan sa dalawa sa limang nasawi noong Mayo
LUMABAS na ang pagsusuring ginawa ng Philippine National Police Crime Laboratory sa labi ng mga nasawi sa isang party concert sa Pasay City noong ika-21 ng Mayo 2016 ang droga at alak.
Ayon sa pahayag ng pambansang pulisya, nakatagpo sila ng bahid ng droga at alak sa dalawa sa limang nasawi.
Sa isang press briefing kanina sa Kampo Crame, sinabi ni Chief Supt. Emmanuel Aranas, Crime Laboratory director, sa ginawang autopsy at histopathological examination, natagpuan ang droga at alak sa labi nina Kenichi "Ken" Migawa, 18 taong gulang at sa Americanong si Eric Anthony Miller, 33 taong gulang.
Pumanaw ang dalawa dahil sa multi-organ failure sa tindi ng pinsala sa kanilang utak, puso, baga at bato. Namaga ang utak ng dalawang biktima. Nabago rin ang lagay ng laman ng kanilang puso at nagkaproblema sa kanilang mga baga.
Nakatagpo rin sila ng mga magkahalong droga na kinabibilangan ng "Ecstasy." May bagong uri ng drogang natagpuan sa labi ni Migawa. Lango rin umano ang dalawa sa alak.
Sa alak na kanilang ininom, tumindi ang epekto ng droga sa kanilang mga katawan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |