|
||||||||
|
||
|
BUO ang suporta ni House Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. sa administrasyon ni incoming President Rodrigo Duterte na manunungkulan sa darating na huling araw ng Hunyo.
Sa isang pahayag mula sa House of Representatives, sinabi ni Speaker Belmonte sa "Ugnayan sa Batasan," na wala sa posisyon ang Liberal Party na humingi ng posisyon para kay Vice President Leni Robredo.
Hindi magandang magmungkahi sa pangulo na bigyan ng posisyon ang bise presidente, dagdag pa ni G. Belmonte.
Ani Speaker Belmonte, ang paglisan ng mga mambabatas sa Liberal Party ay higit na makabubuti sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga kababayan.
Ipinaliwanag ni Speaker Belmonte na kinakausap niya si Congressman Pantaleon Alvarez na tratuhin ng patas ang mga lumipat sa kanyang koalisyon tulad ng mga nagmula sa Nacionalista Party at Nationalist People's Coalition. Umaasa si Speaker Belmonte na ang mga kasapi ng Liberal Party ang mananatiling kasapi ng partido kahit pa lumahok sa koalisyon ng PDP-Laban.
Mahalaga rin ang kanyang magiging papel kung sakaling mahirang na House Minority Leader sapagkat inaasahan ito sa isang demokrasya.
Hinggil naman sa pagkakahirang sa mga Makakaliwa sa gabinete ni G. Duterte, ani G. Belmonte, maaaring ito na ang mas magandang paraan upang matuldukan ang pag-aaklas ng mga makakaliwa.
Idinagad pa ni G. Belmonte na kung magtatagumpay si Pangulong Duterte na wakasan ang pag-aaklas ng mga kasapi sa New People's Army, isang mahalagang bagay na ito para sa bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |