|
||||||||
|
||
Cybercops nakatiklo ng isang babaeng mag-aaral sa kasong "identity theft"
ISANG babaeng mag-aaral ang nadakip ng PNP Anti-Cybercrime Group kahapon sa kasong identity theft sa Quezon City matapos magpakilalang ang celebrity na si Maricel Laxa – Pangilinan o'di kaya'y mga mga supling nina G. at Ginang Pangilinan upang mangalap ng salapi sa mga kaibigan at taga-hanga ng ng pamilya.
Ito ang ibinalita ni Senior Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar.
Isang Myca Acobo Aranda ng Bagbag, Novaliches, Quezon City at nag-aaral sa Kings College Philippines ang nadakip matapos mag-withdraw ng salapi mula sa Smart Padala ng kanyang mga kaibigan at tagahanga.
Nadiskubreng apat na taon na ang nakalilipas, gumawa ng palsipikadong Facebook account si Aranda at ginamit ang mga pangalan at lawaran at detalyes ng pagkatao ni Maricel Laxa-Pangulinan at ng kanyang apat na anak.
Sa paggamit ng palsipikadong Facebook accounts ni Laxa-Pangilinan at apat na anak, nakalikom ng salapi para umano sa palsipikadong outreach program. Sinabi ni Anthony Pangilinan, isang Facebook user na may pangalang Suzette ang hiningan ng suspect ng P 5,000.00 para sa outreach program ng kanyang mga anak sa Cordillera region. Kinumbinse ng suspect si Suzette na magpadala ng salapi kay "Myca Aranda" sa pamamagitan ng LBC money remittance.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |