|
||||||||
|
||
Kahalagahan ng kapayapaan at katatagan sa South China Sea binanggit sa pulong sa Kunming, Tsina
KAPAYAPAAN AT KATATAGAN, MAHALAGA SA ASEAN AT TSINA. Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose sa isang press briefing kanina. Binasa niya ang pahayag hinggil sa pagpupulong ng ASEAN foreign ministers at ng Chinese foreign minister sa Kunming, Tsina noong nakalipas na Martes. (File Photo/Melo M. Acuna)
SINABI ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas na lumahok nga ang bansa sa idinaos na Special ASEAN-China Foreign Ministers Meeting sa Kunming, Tsina kamakawala.
Sa isang pahayag na binasa ni Assistant Secretary Charles Jose, tagapagsalita ng kagawaran, na nagkaisa ang mga ministro ng ASEAN sa kahalagahan ng taong 2016 sa relasyon ng ASEAN at Tsina na nakarating sa ika-25 taong anibersaryo.
Umaasa ang mga kasapi ng ASEAN na makakasama ang Tsina upang maitaas pa ang antas ng relasyon ng samahan at ng maunlad na bansang Tsina. Nagkaisa na gawing sandigan ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga pinahahalagahang alituntunin tulad ng equality, mutual benefit at shared responsibility upang higit na umunlad ang mga bansa at ang rehiyon.
Ani Asst. Secretary Jose, nagkaroon ng pagpapalitan ng pananaw ang mga ministro ng Tsina at ASEAN sa mga nagaganap sa kapaligiran. Nagparating ng pagkabahala ang mga kasapi ng ASEAN sa nagaganap na umano'y naging dahilan ng pagguho ng pagtitiwala, nagpataas ng tsnyon na maaring makaapekto sa kapayapaan, seguridad at katatagan ng mga pook sa paligid ng South China Sea.
Sinabi ng mga ministro ng ASEAN na mahalaga ang pagpapanatili ng kapayapaan, katatagan, kaligtasan at kalayaang maglayag at sa paglalakbay sa himpapawid sa South China Sea ayon sa itinatadhana ng international law na kinabibilangan United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Mahalaga rin ang pagkakaroon ng pagtitiwala sa isa't isa at magkaroon ng self-restraint sa pagkilos sa kapaligiran upang maiwasan ang pag-init ng situwasyon. Pinahahalagahan ng Pilipinas ang payapang paglutas ng mga 'di pagkakaunawaan ayon sa itinatadhana ng international law.
Ipinaliwanag pa ni G. Jose na malulutas ang mga 'di pagkakaunawaan sa paggalang sa paraang legal at diplomasya nang hindi na mangangailangan ng dahas. Kailangan ding huwag nang gumamit ng sandatahang lakas sa mga proyektong kinabibilangan ng land reclamation na maaaring maging dahilan ng tensyon sa karagatan.
Binigyang-diin din ang pangangalingan ng pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea. Mahalaga rin ang pagpapasa ng epektibong Code of Conduct.
Samantalang wala pang epektibong Code of Conduct, kailangan ang pagpapatatag ng pagkakaibigan at mga gawaing magpapatatag ng pagtitiwala sa mga magkakasamang bansa.
Sinabi pa ng Department of Foreign Affairs na noong mabanggit ang arbitration case, ipinaliwanag ng Pilipinas na kabilang ito sa legal at diplomatikong proseso na magsusulong ng rule of law sa rehiyon na naaayon sa DOC upang payapang malutas ang mga 'di pagkakaunawaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |