MASIGLA ang labor market sa Pilipinas kung pagbabasehan ang mataas na bilang ng mga manggagawang may trabaho. Ito ang pananaw at balita ng National Economic and Development Authority sa isang pahayag na inilabas ngayon.
Sa pinakahuling Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority, ang bilang ng mga manggagawa ay umabot sa 39.9 milyon sapagkat nabatid ring makamtan ang pagkakatrabaho ng may 93.9%, noong Abril ng 2016. Posible umanong may kinalaman din ang halalan sa pagpapasigla ng ekonomiya at mas mataas sa mga naunang labor force survey mual naitatag ito noong 2011.
Ang unemployment rate ay 6.1% o 2.6 milyong mga Filipino ang walang hanapbuhay. Mas mababa ito sa target na 6.6% sa buong taon.
Masigla umano ang ekonomiya sabi ni Economic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra.
1 2 3 4