|
||||||||
|
||
Kakulangan ng tamang sahod, nagbubunsod sa mga katiwalian
KATIWALIAN SA MEDIA, NARARAPAT SIYASATIN. Sinabi ni Atty. Rejie Jularbal, abogado ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas na mas magandang lumantad ang mga nabiktima ng katiwalian ng ilang mga brodkaster upang masiyasat at mapatawan ng parusa. Wala umanong nakararating na pormal na reklamo sa kanilang tanggapan. (Melo M. Acuna)
BINIGYANG-DIIN ni Atty. Redjie Jularbal, abogado ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at G. Ariel Sebellino, executive director ng Philippine Press Institute na malaking dahilan kaya't nasasangkot sa katiwalian ang mga mamamahayag ay sa kakulangan ng kanilang kinikita.
May regional correspondents na binabayaran ng P 50 hanggang P 100 sa bawat pag-uulat sa maghapon bukod sa allowance na mula sa P 2,000 hanggang P 9 na libo sa bawat buwan.
PRESS INSTITUTE, 'DI MAGSASAWA SA MEDIA ETHICS. Tiniyak ni G. Ariel Sebellino, executive director ng PPI na hindi sila magsasawang isama sa kanilang mga seminar ang mahalagang paksa hinggil sa "media ethics" sapagkat mahalaga ito sa mga mamamahayag sa buong bansa. (Melo M. Acuna)
Inamin naman ni G. Sebellino na mayroong mga mamamahayag o reporter na kumikita sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga commercials o mga patalastas.
Nakakatakot ang mga taong handang magtrabaho bilang media practitioners nang walang sahod.
Malaking basehan ng pag-uugali ng mga manggagawa sa media sa kanilang tugon sa mga alok ng mga politiko at mga mangangalakal. Inamin din ni Atty. Jularbal na pawang kwentong bayan lamang ang mga nagaganap na katiwalian sa media sapagkat walang nakararating na pormal na reklamo sa kanilang samahan. Mas makabubuti kung maglalabas ng mga ebidensya at saksi ang mga taong apektado ng sinasabing katiwalian sa media, dagdag pa ni Atty. Jularbal.
Para kay G. Sebellino, hindi sila magsasawang talakayin ang media ethics sa kanilang mga seminar sa iba't ibang bahagi ng bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |