|
||||||||
|
||
Mga ministro ng tanggulang pambansa ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia, nagpulong sa Maynila
PINAG-USAPAN nina Defence Secretary Voltaire Gazmin ng Pilipinas, His Excellency Dato Seri Hishammmuddin Tun Hussein ng Malaysia at General R. Ryamizard Ryacudu ng Indonesia upang pag-usapan ang nagaganap sa rehiyon lalo na sa karagatan na mahalaga sa tatlong bansa.
Maayos ang naging pagpupulong ayon sa pahayag ng tatlong ministro. Pinahahalagahan nila ang pag-unawa sa isa't isa at ang pagiging mabuting kapitbahay o kapitbansa.
Pinagtibay nila ang napagkasunduan noong ika-lima ng Mayo sa Yogyakarta, Indonesia na tutugon sa pangrehiyong maritime at security challenges na nakaaapekto sa katatagan ng mga bansa.
Nabahala ang mga ministro sa pagtaas ng bilang ng mga pagdukot at pamimiratan sa karagatang sa pagitan ng magkakalapit-bansa. Kailangan umano ang pangangako ng mga pamahalaaan na magkakaisa sa kanilang responsibilidad sa mga pagtatangkang manggulo, lumabag and humadlang sa seguridad at kaunlaran ng rehiyon.
Pinakamagandang ginawa ng Malaysia at Indonesia na nagkaroon ng pinag-isang pagpapatrolya sa pamamagitan ng Malacca Straits Patrol upang mabigyang anyo at lakas ang karaniwang maritime security concerns.
Magkakaroon na ng higit na koordinasyon sa pagitan ng mga sandatahang lakas ng tatlong bansa na nakatuon sa maritime security. Kilalanin ang posibilidad na magkaroon ng joint military command posts sa mga pagkakasunduang bahagi ng karagatan na kabibilangan ng ad hoc military liaisons na nakasakay sa mga sasakyang-dagat at ang pagkakaroon ng pinag-isang maritime at air patrol sa partikular na bahagi ng kani-kanilang mga interes.
Pinagkasunduan din nila ang pagkakaroon ng pagkilos ng Trilateral Maritime Patrol Working Group na siyang gagawa ng mga kautusan sa pagpapatupad ng pinagsanib na patrolya. Ang kani-kanilang Maritime Command Sectors ay itatatag ng kani-kanilang bansa at magkakaroon ng responsibilidad sa pagpapadala at pagpapalawak ng kanilang mga tauhan, kagamitan at sasakyan.
Magkakaroon din ng transit corridor sa loob ng maritime areas of common concern na magiging designated sea lanes para sa mga magdaragat na papasok sa maritime area of common concern.
Magpapalitan din mga impormasyon at datos mula sa intelligence operatives hinggil sa karagatang mahalaga sa tatlong bansa at magkakaroon ng pagtatatag ng database upang pakinabangan ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia.
Gagawin din sa pinakamadaling panahon ang Standard Operating Procedures at magpupulong muli ang mga kalihim ng mga tanggulang pambansa sa oras na mabuo ang mga napagkasunduan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |