Bureau of Customs, umaasang makikinabang sa subasta
TINATAYANG aabot sa P 23.5 milyon ang papasok sa kaban ng bayan sa subasta ng may 62 container vans ng iba't ibang paninda na gagawin bukas sa Manila International Container Port.
Isusubasta ang may 17 40-footer container vans na naglalaman ng asukal na nagkakahalaga ng may P 21 milyon.
Ang 44 container vans na may halagang higit sa isang milyong piso ay naglalaman ng iba't ibang beads. Isang 40-footer van ang naglalaman ng mga sapatos, wiper blade at iba pa na nagkakahalaga ng P 300,000.
Umaasa ang mga taga Bureau of Customs na magtatagumpay na muli ang kanilang subasta.
1 2 3