Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

(Special Report) Food security, paksa sa Asian Development Bank

(GMT+08:00) 2016-06-23 17:37:18       CRI

(Special Report) Food security, paksa sa Asian Development Bank

ADB, TUMUTULONG SA PAGSASAKA. Sinabi ni G. Takehiko Nakao, pangulo ng Asian Development Bank na mula ng itatag ang bangko ay nakapagpahiram na sila ng salapi sa iba't ibang pamahalaan upang tustusan ang mga programa sa pagsasaka at mga pagawaing bayan. Bahagi ito ng kanyang pahayag sa idinaos na Leaders' Roundtable sa pagtitipon ng mga dalubhasa sa ADB sa nakalipas na dalawang araw. Magtatapos ang pulong bukas, ika-24 ng Hunyo. (Melo M. Acuna)

MGA DALUBHASA AT KINATAWAN NG IBA'T IBANG PAMAHALAAN, NAGPULONG. Tatlong araw ang gugugulin ng mga kinatawan ng iba't ibang bansa't samahan sa Asian Development Bank upang talakayin ang mga isyung bumabalot sa pagkain, teknolohiya at pagtutulungan ng iba't ibang sektor sa harap ng climate change at iba pang kontrobersya. (Melo M. Acuna)

MAHALAGANG mapanatiling ligtas, masustansiya at abot-kaya ng mga mamamayan ang pagkain para sa lahat. Ito ang tema ng tatlong araw na pagpupulong ng mga kinatawan ng pamahalaan, financial institutions, mga dalubhasa at samahan ng mga magsasaka't mangingisda sa Asian Development Bank sa Mandaluyong City.

Sa idinaos na Leaders' Roundtable hinggil sa kinabukasan ng pagkain, sinabi ni Food and Agriculture Deputy Minister Masdhalifa Machmud ng Indonesia na binibigyan nila ng halaga ang pagkakaroon ng pagkain sa pamilihan na makakamtan ng mga mamamayan, samantalang pinananatiling matatag ang supply nito sa matagal na panahon.

Idinagdag ng opisyal na nangunguna nilang produkto ang palm oil at sinusundan ng gomang ginagamit ng mga sasakyan, pangatlo ang cacao, samantalang pang-apat ang kape, panglima ang tsaa at pang-anim naman ang tubo na ginagawang asukal.

Isang pinag-aaralan nilang posibleng pagkunan ng pagkain ang kanilang karagatan sa pagkakaroon ng aqua-based food products tulad ng kanilang inaasahang seaweeds. Karamihan umano ng kanilang mga magsasaka ay kabilang sa informal economy at nais nilang malipat ang mga ito sa kanilang formal economy.

Sa panig ni Vice Minister for Agriculture and Forestry Phouang Parisak Pravongviengkham ng People's Demoractic Republic of Laos, nangungunang pamilihan para sa kanilang malagkit na bigas ang bansang Tsina.

Pinag-aaralan nila ang mga paraan para sa agriculture modernization sapagkat mayroon lamang silang limang milyong ektarya ng lupaing binubukid. Magkakaroon na rin ng pormal na pagtititulo ng mga lupian.

Ibinalita ng opisyal ng Laos na mayroong 250,000 ektarya ng kanilang mga lupain ang may patubig o isa sa bawat apat na ektarya ng mga sakahan. May mga programa silang inilaan para sa pagsasaka hanggang sa taong 2025.

Hindi nila binibigyang-diin ang paggamit ng chemical fertilizers sapagkat mas napakikinabangan ng kanilang mga magsasaka ang organic fertilizers.

Mahalaga rin ang kanilang pakikipagkalakal sa Tsina, Korea at Japan, dagdag pa ng opisyal.

Lumahok din sa roundtable discussions si Assistant Director General Kundhavi Kadiresan ng Food and Agriculture Organization at nagsabing aabot sa siyam hanggang sampung bilyong katao ang mabubuhay pagsapit ng taong 2050. Isang malaking tanong ay kung mapapakain ba ang lahat ng mga mamamayan sa taong 2050. Lumalawak din ang agwat ng mahihirap sa mayayaman at kailangang magkaroon ng tugon upang manatiling maayos ang kalagayan ng daigdig.

Isang malaking obligasyon sa mga dalubhasa at maging sa mga pamahalaan ang pagkakaroon ng pagpapanatili ng murang pagkain, paglalaan ng may uring pagkain, pagkakaroon ng balanced diet sapagkat kailangang magkaroon ng malusog na mga mamamayan.

Nabatid sa mga pag-aaral na 12 mula sa 14 na mga bansang nasa dagat Pasipiko ang kinatatampukan ng matataba o obese individuals na maaaring magdulot ng problema sa mga susunod na panahon.

Nararapat ding malutas ang kakulangan sa sustansya o micronutrient defficiency.

Idinagdag ni Bb. Karidesan na pinag-aaralan nila ang dalawang halimbawang mula sa Tsina, ang ginagawa sa kanlurang bahagi ng bansa na mayroong large-scale farming at ang ginagawa sa silangang bahagi ng Tsina na commune but managed farms at sama-samang binubungkal ng mga kabilang sa sakahan.

Kailangan ding mapag-ibayo ang research and development na hindi lamang obligasyon ng pamahalaan bagkos ay gawain na rin ng pribadong sektor.

Sinabi naman ni G. Sunny Verghese, executive director ng Olam International Limited ng Singapore na napakahalaga ng extension services sa mga magsasaka. Ito ang daan upang mabatid at makita ng mga magsasaka ang mga palatuntunang binibigyang-pansin ng mga pamahalaan.

Mahalaga rin ang papel ng pribadong sektor sapagkat sa pakikipagtulungan ng sektor na ito, napatutunayan ang kahalgahan ng pagtutoon ng pansin sa programang magpapa-unlad sa kanayunan.

Para sa kanya, hindi sapat ang PPP sapagkat ang kailagan ay Private – Public – Pluralistic Partnership na titiyak sa food security, water security, energy security at pagkakaroon ng tugon sa climate change at titiyak sa matatag na kaunlaran.

Binigyang-diin naman ni G. Takehiko Nakao, pangulo ng Asian Development Bank, mula ng itatag ang bangko noong 1966, nakapagpahiram na sila ng salapi sa iba't ibang pamahalaan upang tustusan ang mga programa sa larangan ng pagsasaka.

Unang pinahiram ng salapi ang mga taga-Sri Lanka at mula noon ay lumawak na ang kanilang pautang hindi lamang sa pagsasaka kungdi sa mga pagawaing-bayan, energy at environment.

Sa paggamit ng epektibo at makabagong teknolohiya, magbabago ang larawan ng rehiyon at daigdig at makatutugon sa iba't ibang hamon tulad ng climate change at pagdami ng mga mamamayan.

Inihalimbawa niya ang paggamit ng remote sensing at iba't ibang paraan ng paggamit ng pestisidyo.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>