|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, hindi dadalo sa 11th Asia-Europe Leaders Meeting
MAGIGING kinatawan ni Pangulong Duterte si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Jr. sa idaraos na 11th Asia-Europe Leaders Meeting mula sa Biyernes haggang Sabado, ika-15 hanggang ika-16 ng Hulyo sa Mongolia.
Pag-uusapan ang South China Sea at iba pang mahahalagang pangyayari sa rehiyon.
Sinabi ni Secretary Yasay na siya ang dadalo sa pulong at magiging kinatawan ni Pangulong Duterte. Walang dahilang ibinigay si G. Yasay kung bakit hindi dadalo si Pangulong Duterte.
Sa isang press briefing sa Department of Foreign Affairs kanina, sinabi ni G. Yasay na maaaring may kinalaman ang 'di pagdalo ni Pangulong Duterte sa pulong dahil sa papalapit na ang kanyang kauna-unahang state of the nation address sa darating na Lunes, ika-25 ng Hulyo.
Ito sana ang unang pagkakataong makakadalo sa pandaigdigang pulong ang bagong pangulo.
Inirekomenda ng Department of Foreign Affairs kay G. Duterte na dumalo sa pulong na katatampukan ng mga pinuno ng bansa mula sa Association of Southeast Asian Nations at European Union, Japan, Tsina at South Korea.
Ayon kay dating DFA Undersecretary Laura del Rosario, isang mahalagang pulong ito sapagkat mababasa ang mga prayoridad ng iba't ibang pinuno ng bansa.
Isang mahalagang okasyon ang pagpupulong na ito, dagdag pa ni dating Undersecretary for Economic Relations Del Rosario. Pag-uusapan din ang pagalis ng United Kingdom sa European Union.
Mula sa 15 European Union member-states, pitong ASEAN member states, Tsina, Japan, South Korea at European Commission noong 1996, lumago na ang ASEM at may 53 kasapi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |