|
||||||||
|
||
20151215Meloreport.mp3
|
ISA ang nasawi samantalang daan-daang libong mamamayan ang lumikas dala ng bagyong "Nona" (International name: Melor). Ito ang ibinalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ang nasawi ay kinilala sa pangalang Pascual Ausente, 31 taong gulang na mula sa Northern Samar. Namatay ang biktima sa dami ng sugat na natamo mula sa lumipad ng bubong.
Tumama sa kalupaan ng Northern Samar si "Nona" kahapon ng tanghali at tumama sa Bulusan, Sorsogon, Burias Island sa Masbate at sa Banton, Romblon. Kanina, tumama na naman si "Nona" sa Pinamalayan, Oriental Mindoro pasado ika-sampu ng umaga.
Umabot sa higit sa 162,000 pamilya o halos 750,000 katao ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Eastern Visayas
Maraming domestic flights ang nakansela dahil sa sama ng panahon. Suspendido rin ang klase sa Calabarzon, Bicol at Eastern Visayas.
Malakas na ulan ang bumuhos dala ng bagyong "Nona" na ikinapinsala ng mga lansangan at tulay at nagpabagsak ng power at communications lines sa ilang lalawigan ng Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Eastern Visayas.
May 7,366 na pasahero at 75 mga sasakyang-dagat ang hindi nakakilos dahil sa sama ng panahon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |