Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

2015, malupit na taon para sa mga nangibang-bansa

(GMT+08:00) 2016-01-14 15:59:12       CRI

ISANG nakalulungkot na taon ang 2015 para sa mga manggagawang nangibang-bansa. Ito ang paglalarawan ni Fr. Restie Ogsimer, ang executive secretary ng Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People sa isang panayam.

Ayon aky Fr. Ogsimer, naipit ang mga Filipino sa magugulong bansa tulad ng Libya, Syria at Iraq. Kahit pa may repatriation program ang Department of Foreign Affairs, maraming Filipino ang nananatiling nasa magugulong bansa sa katwirang mas makabubuting mamatay ng may trabaho kaysa umuwi ng Pilipinas na walang mapapasukang hanapbuhay.

Ipinagpapasa-Diyos na lamang umano ng karamihan ng mga Filipino sa magugulong bansa. Bukod sa magugulong bansa, nanatiling nasa panganib ang mga Filipino dahil sa pagkalat ng MersCoV at Ebola virus sa Middle East at maging sa Africa. Maraming mga kamag-anak ng mga Filipino sa Gitnang Silangan at Africa ang nababahala sa kanilang mga mahal sa buhay.

Natanghal din ang mga usapin ng human trafficking na nakabiktima ng mga guro na nagtungo sa America at nauwing mga domestic helper sapagkat mga walang job order.

Natampok din ang kalagayan ni Mary Jane Veloso na ngayo'y na sa piitan pa rin sa Yogyakarta matapos mapatunayang nagkasala sa pagiging drug mule.

Nabiktima rin ang mga manggagawang paalis ng bansa sa terminal fee na sinisingil sa bawat plane ticket na binibili sa internet kahit pa exempted ang mga OFW sa bayaring ito ayon sa batas na ipinasa ng kongreso ilang taon na ang nakalilipas.

Ipinagtatanong ni Fr. Ogsimer kung saan napupunta ang halaga samantalang naibabalik naman ito kahit pa may katagalan sa mga manggagawa.

Isang malaking dagok pa rin sa mga manggagawang nasa ibang bansa ang pagbubukas ng balikbayan boxes. Ipinagtanggol ni Fr. Ogsimer ang mga OFW na nagpapadala lamang ng mga pagkain, damit at kagamitan pauwi sa Pilipinas. Noon ngang hindi pa nabubuksan ang mga karton ay marami nang nawawalang kargamento lalong lumala ang situwasyon sa pagbubukas ng mga ito sa kautusan ng Bureau of Customs.

Ang isa sa pinakamatinding pinasan ng mga manggagawang paalis ng bansa ay ang pagkakaroon ng mga laglag-bala sa mga paliparan sa Pilipinas. May mga manggagawang hindi nakakaalis sa takdang petsa at nanganganib na mawalan ng trabaho sa ibang bansa.

Idinagdag pa ni Fr. Ogsimer ginagawa ng ilang mga kawani ng pamahalaan sa paliparan ang panghaharang sa mga maglalakbay na manggagawa tulad ng pagkakaroon ng mga kapangalan sa mga taong pinaghahanap ng batas o may kakulangan sa mga dokumento na nauuwi sa hindi paglalakbay sa tamang panahon.

Sa likod ng mga pangyayaring ito, umaasa si Fr. Ogsimer na mag-iibayo ang pagtutulungan ng kanilang tanggapan at mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Foreign Affairs, Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs, Philippine Overseas Employment Administration at iba pa.

Magugunitang nagkaroon ng regional consultation ang mga paring naglilingkod sa mga manggagawang Filipino sa Middle East, sa Africa at maging sa Europa. Ang kinahinatnan ng pagpupulong ang pagsasama-sama ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagtugon sa mga ipinarating na karanasan mula sa kinaroroonan ng mga manggagawang tuloy sa pagpapadala ng higit sa US$ 20 bilyon taun-taon.


1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>