Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panahong habagat, magdudulot ng pag-ulan

(GMT+08:00) 2016-08-11 18:15:57       CRI

Senador Drilon, pinangaralan si Atty. Salvador Panelo ng Malacanang

TAMA ANG GINAWA NG KORTE SUPREMA. Ito ang pahayag ng Integrated Bar of the Philippines na pinamumunuan ni Atty. Rosario T. Setias-Reyes bilang tugon sa ginawang pagbubunyag ng mga hukom na umano'y sangkot sa illegal drugs. Nanawagan sila sa ehekutibo na ipadala ang mga impormasyon sa mga hukom na umano'y sangkot sa ilegal na gawain upang masiyasat kaagad. Ang IBP ay samahan ng may52,000 mga abogado sa bansa. Kabilang sa mga kasapi ng IBP si G. Duterte. (IBP File Photo)

HINDI mawari ni Senate President Pro-Tempore Franklin M. Drilon kung anong Saligang Batas ang pinagbababasa ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nagsabing ang lawak ng problema sa droga ay maaaring mangailangan ng Martial Law.

Ani Senador Drilon, kahit na ang mga college of law freshmen ay madaling maibabasuea ang sinabi ni Atty. Panelo. Hindi umano mabatid ni G. Drilon kung anong saligang batas ang natutuhan ni G. Panelo sa college of law sapagkat dadalawang dahilan lamang ang magagamit sa pagdedeklara ng batas militar, ang panakop ng ibang bansa at paghihimagsik. Hindi kailanman kabilang ang problema sa droga.

Sa mga panayam, sinabi ni G. Panelo na ang lawak ng problemang dulot ng droga ang nakarating na sa crisis proportion at maaaring magamit ang probisyon sa Saligang Batyas na makapagdedeklara ang pangulo ng Batas Militar.

Pinapaniwala ni G. Panelo ang madla na mapahihintulutan ng Saligang Batas ang pangulong magdeklara ng Martial Law hindi lamang sa pananakop ng ibang bansa at rebelyon kungdi sa oras na magkaroon ng pangangailangan sa public safety.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>