|
||||||||
|
||
Chief Justice Sereno, suportado ng mga abogado
PANANAKOP AT REBELYON. Ang dalawang dahilang ito ang magiging basehan ng pagdedeklara ng batas militar ng pangulo ng bansa. Ito ang sinabi ni Senate President Pro-Tempore Franklin M. Drilon bilang reaksyon sa pahayag ni Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na sa lawak ng problemang dulot ng droga ay maaaring magdeklara si Pangulong Duterte ng martial law. (File Photo/Senate PRIB)
PINURI ng mga opisyal ng Integrated Bar of the Philippines ang naging paninindigan ni Chief Justice Lourdes Sereno matapos ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan ng mga hukom na diumano'y sangkot sa kalakal ng ilegal na droga.
Sa isang pahayag na ipinadala ni Atty. Rosario T. Setias-Reyes, pangulo ng Integrated Bar of the Philippines at nilagdaan ng mga opisyal mula sa iba't ibang bahagi ng bansa, sinabi ng samahan na samantalang ang mga mahistrado at mga hukom ay hinirang ng pangulo ng bansa, nasasaad sa Saligang Batas na ang pagdidisiplina sa mga tauhan nito ay na sa poder ng Korte Suprema. Maliwanag ang separation of powers at walang alinmang sa tatlong magkakapantay na sangay ng pamahalaan ang makasasaklaw sa isa. Ang mga hukom ay haharap sa pagsisiyasat ayon sa itinatadhana ng batas, dagdag pa ng IBP.
Angkop lamang ang ginawa ng Korte Suprema sa pagsasabi sa Executive Secretary na isa-pormal ang mga sumbong laban sa mga sinasabing nagkasalang hukom upang makasagot at makapagpaliwanag. Ito ay ayon sa nilalaman ng due process. Sa oras na mapatunayang kulang ang paliwanag at sagot, mahaharap sa parusa ang mga akusado.
Maaaring napwersa lamang si Pangulong Duterte sa paghahayag sa publiko ng mga pangalan dahil sa pangangailangan subalit sa kanilang dako, ang mga hukom ay may kakaibang obligasyon na mahalaga sa paggagawad ng katarungan na nangangailangang malayo sa panggigipit.
Mapaglilingkuran ang mga mamamayan ng mas mabuti kung magtutulungan ang ehekutibo at hudikatura. Umaasa ang IBP na maipararating ng ehekutibo ang mga sumbong sa hudikatura upang magawa nito ang obligasyon sa interes ng katarungan.
Lumagda sa pahayag ang mga siyam na iba pang gobernador sa iba't ibang rehiyon sa Pilipinas.
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |