|
||||||||
|
||
Mga pagawaing-bayan, itutuloy sa loob ng 24 oras
IPATUTUPAD ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang mga mahahalagang proyekto sa iba't ibang bahagi ng bansa sa loob ng 24 na oras.
Ayon kay Secretary Villar, may krisis sa daloy ng mga sasakyang kailangang malutas sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon. Kulang ang mga pagawaing-bayan sa nakalipas na apat na dekada at kailangang matugunan ang kakulangang ito upang gumaan ang trapiko sa malalaking lungsod at bayan.
Inaayos na nila ang lahat upang matapos ang mga proyekto sa takdang panahon.
Apat na proyekto na ang ginagawa sa loob ng 24 na oras. Kinabibilangan ang mga ito ng Mandaluyong Main Drainage Project, pagpapaluwag ng lansangan at drainage sa Quezon Avenue at sa Mother Ignacia kasabay ng drainage improvement mula White Plains hanggang Main Avenue sa EDSA, Quezon City.
Magkakaroon din ng mga proyekto sa Visayas at Mindanao, dagdag pa ni Secretary Villar, ang kongresistang mula sa Las Pinas na nagbitiw upang maging kalihim ng Public Works and Highways.
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |