|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap
4 na green pepper o siling haba, mga 260 grams
1 bell pepper o siling pula
1 itlog
1 sibuyas na mura
Mga Pampalasa
Cooking oil
Asin
Cooking wine
Preparasyon
Basagin ang itlog sa isang bowl. Lagyan ng asin at cooking wine tapos batihing mabuti.
Hugasan ang bell at green peppers at gayatin nang manipis at pahaba tapos ilagay sa isang hiwalay na plato.
Hugasan ang sibuyas na mura tapos tadtarin.
Paraan ng Pagluluto
Mag-init ng mantika sa kawali at iprito nang kabilaan ang itlog. Patayin ang apoy at pira-pirasuhin ang itlog gamit ang siyansi.
Mag-init uli ng mantika sa kawali at igisa ang sibuyas na mura sa loob ng 20-30 seconds hanggang lumutang ang bango. Idagdag ang bell at green peppers at lagyan ng kaunting asin. Ituloy pa ang paggisa sa loob ng 20-30 seconds hanggang tuluyang maluto.
Pagkaraan, ibuhos sa mga piraso ng itlog at haluing mabuti. Isalin sa serving plate at ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |