|
||||||||
|
||
Mga guro, boluntaryo na lamang maglilingkod sa halalan
MULA sa halalan sa susunod na taon, boluntaryo na lamang ang paglilingkod ng mga guro sa mga gagawing halalan sa bansa.
Ayon sa isang pahayag, mula sa 2017 Barangay at Sangguniang Kabataan elections at sa mga susunod pang halalan, boluntaryo na lamang ang magiging paglilingkod ng mga guro.
Nagmula ito sa Republic Act 10756 o Election Service Reform Act na nilagdaan ni Pangulong Aquino noong Abril, hindi na compulsory para sa public school teachers ang paglilingkod sa halalan. Pinayagan na ang Commission on Elections na tawagan ang mga guro sa priabdong paaralan, mga kawani ng pamahalan,na hindi kabibilangan ng mga kawal, mga kasapi ng Comelec-accredited citizens arms at sinumang botante na may integridad at kakayahan at walang kinaanibang partido politikal bilang election officers.
Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na handa silang ilabas ang Implementing Rules and Regilations ng ESRA at ipatutupad na sana sa 2016 Barangay at Sangguniang Kabataan elections. Maipatutupad na ito sa susunod na halalan.
Mas mataas na rin ang kabayaran para sa election workers. Ang panukalang batas sa pagpapaliban ng halalan ay nakapasa na sa huling pagbasa sa House of Representatives at Senado kamakalawa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |