Pagpatay sa isang guro, ikinalungkot at ikinabahala ng Kagawaran ng Edukasyon
SINABI ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones na lubha siyang nalungkot at nabahala sa pagkakapaslang sa isang guro sa Pedro "Oloy" N. Roa Senior High School sa Cagayan de Oro City.
Sinaksak ng kanyang menor-de-edad na estudyante si Vilma Cabactulan kahapon. Ayon sa kalihim, pinahahalagahan ng kanyang tanggapan ang kabutihan at buhay ng mga mag-aaral at mga kawani at naglalayong maging maganda ang relasyong namamagitan sa mga kabilang sa school community.
Ayon sa balitang nakarating mula sa Division of Cagayan de Oro City, isinugod sa Cabactualn, 43 taong gulang, sa Madonna Hospital matapos saksakin ng kanyang 15-taong na gulang na estudyante mga ika-walo't kalahati ng umaga kahapon. Sa pagtatamo ng tatlong saksak sa likod, namatay ang biktima ganap na ika-sampu ng umaga.
Dinaluhan ng mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon sa Cagayan de Oro ang pangangailnagan ng tatlong naulilang anak ng biktima. Nagsagawa na rin ng stress defriefing sa mga nakasaksi sa krimen.
1 2 3 4 5 6 7