|
||||||||
|
||
Padalang salapi ng mga Filipino, umabot sa US$ 16.9 bilyon
SA unang pitong buwan ng 2016 ay umabot na sa US$ 16.9 bilyon ang naipadala ng mga Filipinong mula sa ibang bansa. Kinatagpuan ito ng dagdag na 2.9% kung ihahambing sa naipadalang salapi noong nakalipas na taon.
Ayon kay Bangko Sentral Governor Amando M. Tetangco, Jr., ang personal remittances mula sa land-based workers na mula isang taon o higit pa ay umabot sa US$ 13.1 bilyon samantalang ang kinita ng mga sea-based workers at land-based workers na may maiiksing kontrata ay umabot naman sa U$ 3.6 bilyon. Ang personal remittances sa buwan ng Hulyo ay umabot lamang sa US$2.4 at hamak na mas mababa ito sa naipadalang salapi noong nakalipas na taon.
Ang cash remittances na idinaan sa mga bangko ay umabot sa US$ 15.3 nilyon mula Enero hanggang Hulyo ng 2016 na kumakatawan sa kaunlarang 3%. Ang cash remittances para mula sa land-based ay US$ 12.1 bilyon at ang sea-based workers ay nakapagpadala ng US$ 3.3 bilyon.
May 80% ng salaping nakarating sa Pilipinas ay mula sa Estados Unidos, Saudi Arabia, Unted Arad Emirtates, Singapore, United Kingdom, Japan, Qatar, Kuwait, Hoing Kong at Alemanya.
Matatag pa rin ang padalang salapi mula Enero hanggang Hulyo ng 2016 kahit pa bumaba ang bilang mga manggagawang naipadala sa ibang bansa. Sa pag-uulat ng Philippine Overseas Employment Administration, bumaba ang bilang ng mga manggagawang lumabas ng Pilipinas ng may 10.3% at umabot lamang sa 235,895 samantalang ang sea-based workers ay nalalaglag pa ng may 44.4% at umabot na lamang sa 134,360 sa unang pitong buwan ng taon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |