|
||||||||
|
||
Walang bago sa pahayag ng saksi sa Senado
SINABI ni House Speaker Pantaleon Alvarez na walang bago sa mga sinabi ng isang saksing humarap sa Senado kaninang umaga. Pawang mga inulit na pahayag lamang ito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa sinasabing extra-judicial killings sa pakikidigma ng pamahalaan sa droga.
Sa isang panayam sa House of Representatives, sinabi ni Alvarez na walang bago sa mga akusasyon ng nagpakilalang kasapi ng "Davao Death Squad." Naniniwala si G. Alvarez na isang "recycled witness" si Edgar Matobato na nagmula rin sa Davao.
Sinabi ni Speaker Alvarez na mula rin siya sa Davao at wala siyang alam na grupong kilala sa pangalang Davao Death Squad. Naniniwala umano siyang ang mga extra-judicial killings ay kagagawa ng mga sindikato sa pagtatangkang patahimikin ng mga lalabas at magsusuplong.
May posibilidad lamang umano na maging bahagi ito ng pagtatangka ni Senador Leila de Lima na mapagaan ang mga akusasyon laban sa kanya sa gagawing pagdinig sa House of Representatives sa paglaganap ng droga sa National Bilibid Prison noong panahon niya bilang Kalihim ng Katarungan.
Ayon kay Speaker Alvarez, magugulat ang madla sa paglabas ng mga saksi laban sa mga may kinalaman sa pagkalat ng droga sa loob ng Bilibid.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |