|
||||||||
|
||
Mga senador, naguguluhan sa mga taliwas na pahayag ni Matobato
NILIWANAG ni Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Justice Committee, na nais nilang makita ang katotohanan sa mga pahayag na binitawan ni Edgar Matobato sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado.
Tumayo si Senador Leila de Lima at nakiusap sa mga kapwa mambabatas na huwag namang pahirapan at tanungin ng leading questions ang saksing si Matobato.
Sumagot si Senador Gordon na wala silang intensyong iligaw at lituhin si G. Matobato sapagkat nais lamang nilang makita ang katotohanan sa mga pahayag sa naunang pagdinig.
Sa pagtatanong si Senador Sonny Angara hinggil sa pagpasok ni G. Matobato sa Witness Protection Program sapagkat nangangamba siyang maging biktima ng frame-up.
Lumabas na mayroong isang abogadong nakakilala kay G. Matobato na bumaril sa kanya noong 2014. Ani Senador Panfilo Lacson, nakarating ang impormasyon sa kanya sa pamamagitan ni Senate President Aquilino Pimentel III sapagkat tubong Cagayan de Oro City ang biktima.
Maliwanag ang inconsistencies sa mga pahayag sa ni G. Matobato sa paghahambing ng mga pahayag noong ika-15 ng Setyembre at kaninang hapon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |