|
||||||||
|
||
Bank records na nagsasaad ng mga transaksyon, nasa DoJ na
NAISUMITE na ng Anti-Money Laundering Council sa Department of Justice ang bank transaction records na pinaghihinalaang kinasasangkutan ng mga sindikato ng droga sa loob ng New Bilibid Prison.
Ito ang sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa isang press briefing. Nakausap na ng kalihim ang mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council sa Department of Justice.
Limitado pa umano ang mga dokumento. Ani Secretary Aguirre, hihingi pa silang muli ng tulong. May posibilidad na umabot sa isang bilyong piso ang salaping sangkot kahit pa hindi sila umaasang lalabas ang pangalan ni Senador Leila de Lima sa alinmang transaksyon.
May nakalaang higit sa 30 saksi na haharap sa imbestigasyon sa pagkalat ng droga sa piitan. Naghahanap pa sila ng mga saksi para sa susunod na pagdinig sa susunod na linggo.
Naghahanap pa ng mga pahayag at dokumento upang makitang sangkot sa sindikato ng illegal drugs ang dating kalihim ng Department of Justice Leila de Lima, dagdag pa ni G. Aguirre.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |