Mga pagbabago sa maritime education, maasahan
MAGKAKAROON ng patuloy na pagbabago sa larangan ng maritime education sa mga susunod na araw. Ito ang sinabi ni Executive Director Eleazar G. Diaz ng MARINA. Ipinaliwanag naman ni Chief Mate Michael John Esplago na mula sa higit sa 90 maritime schools sa buong bansa, mayroon na lamang 71 ngayon sapagkat hindi nakasunod sa mga itinaktadang alituntunin ng pamahalaan.
Nabatid rin na sa bawat 100,000 pumapasok sa First Year ng tatlong taong pag-aaral sa larangan ng pagdaragat, umaabot lamang sa 24,000 ang nakakatapos ng pag-aaral. Sa bilang na ito, 7,000 lamang ang nakasasakay ng barko at tumatagal ng 12 buwan upang makamtan ang mithing sertipiko ng pag-aaral sa larangan ng Marine Transportation at mga kaalyadong aralin.
Ginampan ng MARINA ang kanilang tungkulin bilang one-stop shop para sa mga magdaragat. Wala umanong karapatan ang mga paaralang magpatuloy sa kanilang operasyon kung walang sapat na kagamitan at kakayahang magsanay ng kanilang mga kadete.
Noong nakalipas na taon, umabot sa US$ 5.8 bilyon ang naiambag ng mga magdaragat sa foreign remittances. Umabot din sa higit sa US$ 25 bilyon ang naipadalang salapi ng mga Filipinong nasa halos lahat ng panig ng mundo.
1 2 3 4 5