|
||||||||
|
||
Pamahalaan, dapat lamang tumulong sa mga paaralan
MGA PAARALANG SA PAGDARAGAT, BINABAWASAN NA. Inamin ng Executive Director Eleazar Diaz ng MARINA na mula sa higit sa 90 maritime schools sa bansa, mayroon na lamang 71 may pahintulot na tumanggap ng mga mag-aaral. Ang mga walang pumapasang mag-aaral sa pagsusulit at 'di na pinapayagan pang tumanggap ng mga mag-aaral. (Melo M. Acuna)
PAMAHALAAN, MAGPAUTANG NAMAN KAYO. Ito naman ang panawagan ni Capt. Rogelio Estampador mula sa mga manning agencies sa Pilipinas. Upang higit na gumaling ang mga mag-aaral, kailangang makasakay ng barko sa loob ng isang taon upang higit na mahasa sa kanilang propesyon. Ang pagpapautang sa mga paaralan ay makatutulong ng mahalaga, dagdag pa ni G. Estampador. (Melo M. Acuna)
LIBU-LIBO PA RIN ANG MGA MAGDARAGAT. Sinabi naman n Capt. Joselito J. Navales ng Magsaysay Maritime Corporation na sila'y mayroon pang 22,000 mga tripulante sa ga luxury ships samantalang mayroon pang 6,000 tauhan sa mga barkong pangkargamento. In demand pa rin ang mga magdaragat na Filipino, dagdag pa ni Capt. Navales. (Melo M. Acuna)
SURIING MABUTI ANG MGA KONTRATA. Ito ang panawagan ni Atty. Dennis Gorecho, isang abogadong kabisado ang maritime laws. Ang pag-aaral ng mga kontrata ay mahalaga sapagkat napapaloob dito ang mga benepisyong matatanggap sa oras ng pagkakasakit. (Melo M. Acuna)
NANAWAGAN Capt. Rodolfo Estampador, pangulo ng Chairman ng Conference of Maritime Manning Agencies na tumulong ang pamahalaan sa pagpapahusay ng mga magdaragat upang makatugon sa hamon ng panahon at mga kalapit-bansa.
Ipinaliwanag ni Capt. Estampador sa programang Tapatan sa Aristocrat na mahalaga ang pagkakaroon ng mga barkong masasakyan ng mga mag-aaral. Ang problema, sa kawalan ng mga barko ng mga paaralan, nakapapasok ang mga negosyante at tumataas ang bayaran ng mga nangangailangang sumakay ng barko sa kanilang pag-aaral.
May nagbabayad na umano ng hanggang P40,000 para lamang makasakay sa barko. Lumalabas na hindi pa man nakapagtatapos ang mga mag-aaral ay nagkakautang na.
Kailangang magpa-utang ang pamahalaan para sa pribadong sektor upang higit na dumaloy ang pondo at magkaroon ng kailangang mga sasakyang-dagat, dagdag pa ni Capt. Estampador.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |