May kinabukasan pa ang mga magdaragat
SINABI ni Capt. Joselito Navales, ang manager ng HR ng Magsaysay Shipping na mayroon pang 22,000 mga Filipinong kawani ng mga luxury ships samantalang mayroon silang 6,000 mga magdaragat sa mga container ships.
Sa likod ng eocnomic meltdown sa daigdig, marami ring posibleng maapektuhang mga magdaragat sapagkat sa bawat barkong pangkargamentong mahihimpil, may 20 mga tripulanteng mawawalan ng trabaho.
May mga hamong hinaharap ang mga Filipino sapagkat sa dami ng domestic ships ng Tsina, naungusan na nila ang mga Filipino. Bagaman, marami pang kumukuha ng mga Filipino upang sumakay sa kanilang mga barko.
Mayroon ding mga magdaragat mula sa Bangladesh, India, Sri Lanka at Pakistan na hamak na mas malapit kung pamasahe patungo sa Europa at Gitnang Silangan ang pag-uusapan.
1 2 3 4 5