|
||||||||
|
||
Pananalita ni Pangulong Duterte, posibleng dahilan ng pagbaba ng piso
SINABI ni Senador Panfilo Lacson na maaaring mula sa mga pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbaba ng halaga ng piso.
Bumagsak ang halaga ng piso sa unang pagkakataon sa loob ng pitong taon at nagsara sa halagang P 48.25 sa bawat dolyar.
Maraming dahilan at ang narinig niya mula sa ilang mga kaibigang ekonomista ay talagang lumakas ang dolyar dahil sa pressure ng Euro. Lumalakas din ang halaga ng US dollar.
Idinagdag niyang posibleng dahilan din ang kabastusan ng pangulo ng bansa. Pinatutungkulan niya ang kakaibang pananalita ni Pangulong Duterte mula pa noong kampanya.
Bagaman, kailangang pag-aralan pa ang mga balitang umaalis na sa bansa ang mga negosyante.
Lumakas umano ang US dollar kung ihahambing sa Euro, dagdag pa ni Senador Lacson.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |