|
||||||||
|
||
Maganda ang direksyon ng Pilipinas ngayon
SA likod ng mga maaanghang na pahayag at batikos na mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, nananatiling maganda pa rin ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas.
EKONOMIYA NG PILIPINAS, MAGANDA ANG KATAYUAN. Ito ang sinabi ni G. Richard Bolt, Country Director ng Asian Development Bank para sa Pilipinas sa isang economic briefing kaninang umaga. Maganda ang investments at consumption sa Pilipinas, dagdag pa ni G. Bolt. (Melo M. Acuna)
Ito ang sinabi ni G. Richard Bolt, ang country director ng Asian Development Bank sa idinaos na briefing na pinamagatang Philippine Economic Outlook and Development Challenges kaninang umaga. Maayos pa ang datos na kanilang natatanggap at walang anumang nakikitang pagbabadya ng masamang magaganap sa ekonomiya ng bansa.
Ang tamang direksyong tinatahak ay 'di lamang kay Pangulong Duterte nagmumula kungdi kahit sa kanyang gabinete sa pamamagitan ng 10-point agenda na naglalaman ng pinakamahahalagang mensahe na magpapatuloy sa nasimulan ni Pangulong Benigno Aquino III. Makikita rin ito sa pagpapanatili ng macroecononomic policies na kinabibilangan ng fiscal trade politices.
Kabilang dito ang paraan ng pangangalap ng foreign direct investments at ang pagpapatupad ng progressive tax reform na tutuhon 'di lamang sa mga isyu ng poagbubuwis kungdi sa corporate tax issues upang makasabay ng mga kalapit bnasa sa rehiyon.
Mahalaga rin ang pagkakaroon ng programang susugpo sa red tape, pagpapalakas at pagpapadaloy ng salapi sa mga pagawaing-bayan at pagkakaroon ng 24 na oras na patrabaho. Maraming proyektong nakapasa sa investment Coordination Committee at nagkakahalaga ng may P 177 bilyon.
Sa larangan ng pagsasaka, sinabi ni G. Bolt na kailangang mabigyan ng halaga ang pagdaragdag sa rural value chain hindi lamang sa mga sakayan kungdi sa pagkakaroon ng koneksyon ng mga magsasaka sa mga pamilihan. Kailangan din umanong matugunan ang posisyon ng mga magsasaka sa kanilang lupaing sinasaka at pagbibigay-diin sa human capital development.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |