Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasunduan ng Pilipinas at Vietnam noong 1976 sinariwa

(GMT+08:00) 2016-09-30 18:28:26       CRI

Mga 'di pagkakaunawaan, lulutasin sa payapang paraan

MILITARY HONORS, IGINAWAD. Makikita ang naval honor guards na sumalubong kay Pangulong Duterte sa Ha Noi kahapon. Ani Pangulong Duterte, matagumpay ang kanyang dalawang araw na state visit sa Viet Nam. (Malacanang Photo)

MULA sa Ha Noi, sinabi ni Foreign Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. na walang anumang problema sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam sa pagharap sa 'di pa nalulutas na isyu ng South China Sea.

Sa isang press briefing na dinaluhan din ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, sinabi ni G. Yasay na tulad ng ibang mga kasapi ng ASEAN, gumagalang sila sa rule of law, international law at maging sa 1982 UNCLOS.

Upang matiyak ang pagkakaroon ng legal at angkop na proseso ng diplomasya sa payapang paglutas ng mga 'di pagkakaunawaan, magkakaroon ng ibayong hinahon at walang magiging aksyong magiging dahilan ng probokasyon na siyang sisira sa payapang paraan ng paglutas ng mga mahahalagang isyu.

Nagkasundo rin ang Pilipinas at Vietnam na tuluyang ipatupad ang Declaration of Conduct na ipinasa na ng lahat ng mga kasapi ng ASEAN noong 2002 at ipagpatuloy sa madaling panahon ang pagkakarooon ng code of conduct.

Ang posisyon ng Vietnam, Tsina at Pilipinas ay naaayon sa paninindigan ng ASEAN sa bagay na ito, dagdag pa ni G. Yasay.

Nagkasundo rin ang Vietnam at Pilipinas na hindi masasangkot ang mga merito ng kani-kanilang paghahabol. Kahit umano ang international community ay nahahati sa pagsuporta sa Vietnam, sa Pilipinas at maging sa Tsina tulad ng paggalang sa rule of law sa mga lumagda sa UNCLOS.

Ipinaliwanag pa ni G. Yasay na kailangan ang bilateral talks sa Tsina sapagkat ang desisyon ng arbitral tribunal ay walang bahagi ng pagpapatupad o enforcement capability o mekanismo.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>