Mga mangingisdang Vietnames, pinalaya na ni Pangulong Duterte
INIUTOS na ni Pangulong Duterte ang pagpapalaya sa 17 hanggang 29 mangingisdang Vietnamese na nadakip samantalang nangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ani Secretary Vitaliano Aguirre II, mula ang utos kay G. Duerte ilang pagpapakita ng kabutihang-loob.
Napawalang-saysay na ang mga usapin laban sa mga mangingisda sa Sulu at Palawan. Angkop lamang ito upang makita ng madla ang pagpapahalagang ibinibigay ng Pilipinas sa mga kaalyado nito.
May 17 pang mangingisdang mula sa Vietnam ang hindi pa nakakalaya matapos madakip na nangingisda sa may Vigan, Ilocos Sur.
1 2 3 4