Mga Filipino sa Iraq, pinayuhang huwag munang maglalabas
NANAWAGAN ang Embahada ng Pilipinas sa Iraq sa mga Filipino sa Baghdad na maging maingat sa paglulunsad ng Iraqi government at mga alyadong puwersa ng operasyon upang mabawi ang lungsod ng Mosul mula sa Islamic State of Iraq and Syria.
Sa payong inilabas ng embahada, nanawagan sila sa mga mamamayan na umiwas sa matataong pook.
Kailangang maging mapagbantay, manatili sa loob ng tahanan o tanggapan at umiwas sa paglalabas-labas ng tahanan.
Sinabi na ni Prime Minister Haider al-Abadi sa pamamagitan ng state television na nagsisimula na ang military operations upang mabawi ang Mosul. Nakuha ng ISIS ang Mosul noong Hunyo ng 2014.
1 2 3 4