Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ginintuang Panahon ng Relasyong Sino-Pilipino, dumating na

(GMT+08:00) 2016-11-04 16:31:55       CRI

Pagkatapos ng matagumpay na biyahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Tsina, nag-uumpisa na nating makita ang maraming positibong bunga nito sa relasyon ng dalawang bansa.

Kasama na riyan ang recent development na pagtanggal ng Tsina sa travel ban sa Pilipinas. Ito ay inaasahang magpapa-kuwadruple ng bilang mga turistang Tsinong nagpupunta at namamasyal sa Pilipinas.

Ayon sa ulat, nasa 500 libo ang mga Tsinong nagpunta sa Pilipinas noong 2015, at dahil sa nasabing biyahe ni Pangulong Duterte sa Tsina, nakikita itong aakyat sa 2 milyon.

Bukod pa riyan, nitong Lunes, Oktubre 24, 2016, dumating na ng Xiamen, Fujian province ang 40 toneladang saging mula sa Pilipinas. Ito'y pagkaraang pahintulutan muli ng Tsina ang pagluluwas ng mga saging at pinya mula sa Pilipinas. Ito ang unang batch na inangkat ng Xiamen mula sa Pilipinas.

Ayon kay Ginoong Chen, importer ng nasabing mga saging, malakas ang pangangailangan ng pamilihang Tsino. Aniya, ang nasabing kapasiyahan Tsina ay isang malaking paborableng impormasyon para sa mga export enterprises ng Pilipinas.

Kaugnay naman ng relasyon ng hukbong Tsino at Pilipino, sinabi nitong Huwebes, Oktubre 27, 2016, ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong ito ay hindi lamang angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawamng bansa, kundi nakakabuti rin sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko. Aniya, mataimtim na isasakatuparan ng dalawang hukbo ang mahalagang komong palagay na narating nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte upang makapagbigay ng positibong ambag sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Samantala, sa paanyaya ni Tian Guoli, Puno ng Bank of China (BC), dinaluhan sa Shanghai nitong Miyerkules, Oktubre 26, 2016, ni Ma Yun (Jack Ma), Chairman of the Board ng Alibaba Group, ang Seminar ng Pandaigdigang Pagpapalitan at Pagtutulungang Pinansyal tungkol sa "Belt and Road" Initiative. Ang seminar na ito ay idinaos sa pagtataguyod ng BC para sa Pilipinas.

Ibinahagi ni Jack Ma ang kanyang opinyon tungkol sa mga teorya at praktis ng E-commerce at Network Finance.

Tatagal ng sampung (10) araw ang nasabing seminar. Ito'y nakapokus sa mga problemang kinakaharap ng panig Pilipino. Idaraos din ng BC ang mga espesyal at katugong talakayan at paglalakbay-suri. Layon nitong malalimang talakayin ang hinggil sa espayo ng kooperasyon ng dalawang bansa sa larangang ekonomiko at pinansyal.

Dahil pa rin sa nasabing biyahe sa Tsina ni Pangulong Duterte, nakakapangisda na muli ang ating mga kababayang taga-Zambales at karatig na lugar doon sa Huangyan Dao o Scarborough Shoal. Ito ang isa sa mga pangako ni Pangulong Duterte sa ating mga kababayan.

Mula ika-18 hanggang ika-21 ng Oktubre, 2016, isinagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matagumpay na state visit sa Tsina. Liban sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang Tsina ay unang bansang binisita ni Pangulong Duterte.

Binigyan ng lubos na papuri ng mga iskolar at opisyal ng Pilipinas ang nasabing biyahe.

Ipinahayag ni Ramon Casiple, Executive Director of the Institute For Political and Electoral Reforms, na napakatagumpay ng biyahe ni Pangulong Duterte sa China, at kapwa naisakatuparan ng dalawang bansa ang kani-kanilang target.

Ipinahayag din ni Benito Lim, Propesor ng Ateneo de Manila University, na ang pagbabasura ng Tsina ng import ban sa ilang produktong agrikultural mula sa Pilipinas, ay isang malaking paborableng impormasyon. Umaasa aniyang ito ang magiging simula ng mainam na relasyon ng dalawang bansa.

Samantala, ipinahayag ni Arthur Tugade, Kalihim ng Transportasyon, na napakaraming pagkakataon sa trabaho ang maidadala sa Pilipinas ng state bisita ni Pangulong Duterte sa Tsina. Bukod dito, ayon sa joint statement na ipinalabas noong Oktubre 21 ng Tsina at Pilipinas, sinang-ayunan ng dalawang bansa na ibayo pang payamanin ang kanilang bilateral na relasyon. Ito aniya ay nakakabuti sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito.

Isang magkasanib na pahayag ang inilabas ng Pilipinas at Tsina sa nasabing state visit ng Pangulong Duterte sa Tsina.

Kabilang sa mga nilalaman ng nasabing magkasanib na pahayag ay may-kinalaman sa pagpapalakas ng pagtutulungan at pagpapalitang pang-ekonomiya, kultura, paglaban sa terorismo at droga, imprastruktura, joint venture, trade at investment, manufacturaing, Micro, Small at Medium Enterprises (MSME), bilateral na diyalogo para lutasin ang mga pagkakaiba, at marami pang iba.

Samantala, $USD24 na bilyong dolyar na halaga ng investment at financing agreement ang naiuwi ni Pangulong Duterte mula sa kanyang makasaysayang pagbisita sa Tsina.

Sa nasabing $USD24 na bilyong dolyar, $USD15 bilyon ang may-kinalaman sa investment projects at $USD 9 bilyon ang hinggil naman sa credit facilities.

Ang mga investment agreement na ito ay magdadala ng 2 milyong trabaho para sa mga Pilipino, sa susunod na 5 taon.


1 2
May Kinalamang Babasahin
rhio
v 13 Kasunduang Pangkooperasyon, dala ni Pangulong Duterte mula sa Tsina 2016-10-30 16:16:06
v Pangulong Duterte sa Tsina 2016-10-22 17:03:47
v Golden Week ng Turismo 2016-10-18 15:47:12
v Usapang Telepono 2016-09-29 18:09:29
v Mga Expat sa Hangzhou 2016-09-22 17:01:35
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>