|
||||||||
|
||
20161114 Melo Acuna
|
LUMALABAS na 'di batid o hindi sinubukang malaman ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kung gaano kalawak ang problemang dulot ng droga sa bansa.
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-80 anibersaryo ng National Bureau of Investigation sa Maynila. Pinuna ni G. Duterte ang pagiging estupido ng mga banyagang pamahalaang pilit na iginigiit ang rehabilitation ng mga lulong sa droga.
Tama umano ang rehabilitasyon kung may sapat na salapi. Iginiit ng pangulo na gumagalaw ang pamahalan ngayon sa budget na inihanda ng Aquino administration na ngayo'y paubos na.
Hindi na umano tatalab ang rehabilitasyon sapagkat ang tatlong milyong drug dependents ay mga potensyal na kriminal.
Ayon sa pangulo, pinayagan ni dating Justice Secretary at ngayo'y Senador Leila de Lima na yumabong ang drug industry noong panahon niya.
Ilan umano sa mga ahente ng NBI ang tumestigo laban sa kanya. Karamihan umano sa mga testigo ay kapanipaniwala.
Hindi binanggit ni Pangulong Duterte kung ano ang gagawin sa sinasabing higit sa tatlong milyong mga drug dependents.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |