|
||||||||
|
||
Senador, ipinasisibak mula sa public service
NAG-UTOS ang Ombdusman, si Ombudsman Conchita Carpio Morales na mapatalsik sa public service si Senador Joel Villanueva dahil sa kanyang administrative liability sa sinasabing labag sa batas na paggamit ng P 10 milyon sa kanyang pork barrel bilang kasapi ng Mababang Kapulungan.
Sa isang pahayag na inilabas sa mga mamamahayag, sinabi ni Morales na ang dating mambabatas mula sa CIBAC, ay nabatid na nagkasala ng grave misconduct, serious dishonesty, at conduct prejudicial to the interest of the service.
Nagmula ang pagpapatalsik kay Villanueva sa pagkakasumbong sa kanya sa usaping malversation, graft at falsification of public documents sa may anomalyang paglalabas ng P 10 milyong Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Pinakasuhan na ni Morales si Senador Villanueva ng two counts ng paglabag sa Section 3 (e) ng Anti-Graft ang Corrupt Practices Act at one count para sa malversation of public funds laban sa kanyang kapwa akusado.
Kasama sa mga kapwa akusado sina dating Department of Agriculture Secretary at ngayo'y Bohol Third District Congressman Arthur C. Yap, ang tauhan ni Congressman Villanueva na si Ronald Samonte, ang ilang mga kawani ng Department of Agriculture at NABCOR at ang Aaron Foundation Philippines president na isang Alfredo Ronquillo.
Si Villanueva ay naglingkod bilang Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) party-list representative mula 2001 hanggang 2010. Nagwagi siyang Senador noong nakalipas na Mayo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |