|
||||||||
|
||
161107melo.mp3
|
Pulisya, handang humarap sa pagsisiyasat
HANDANG humarap sa anumang imbestigasyon ang Philippine National Police sa bintang na nagkaroon ng extrajudicial killing sa pagkasawi ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. sa isang insidente sa kanyang piitan noong Sabado.
Naunang pinuna ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pulisya. Nabanggit ng dating pinuno ng PNP na maliwanag na extrajudicial killing ang naganap.
Pinuna niya ang maling kwento ng pulisya kung paano napaslang si Espinosa.
Sinabi ni PNP Deputy Chief for Administration Deputy Director General Francisco Uyami, Jr. sa isang press conference sa Campo Crame na narinig niyang magsisiyasat ang Senado at handa silang makipagtulungan sa anumang imbestigasyon na gagawin ng Kongreso.
Nagsiyasat na ang internal affairs service ng PNP sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group at regional maritime unit na sumalakay sa piitan ni Espinosa at ni Raul Yap.
Inamin ni PNP Regional Director Elmer Beltejar na walang koordinasyong naganap sa pagitan ng kanyang tanggapan at ng CIDG sa pagpapatupad ng search warrant.
Niliwanag ni General Uyami na nasabihan si CIDG Director Chief Supt. Roel Obusan tungkol sa operasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |