|
||||||||
|
||
PUMASA na sa Senado ng Pilipinas ang Articles of Agreement na naglalaman ng paglahok ng Pilipinas sa Asian Infrastructure Investment Bank sa pagsuporta ng may 20 mga senador.
Sinabi ni Senador Loren Legarda, chairperson ng Senate Finance Committee, na makakatulong ang AIIB sa bansa na makamtan ang growth targets sa pamamagitan ng pinasiglang paggasta sa mga pagawaing-bayan.
Nakahahadlang ang kakulangan ng pagawaing-bayan sa kaunlaran ng bansa kaya't mangangailangan ng dagdag na investments, dagdag pa ng mambabatas. Ang AIIB ang magpapalawak ng pagkukunan ng salapi para sa mga pagawaing-bayan.
Tulad ng Asian Development Bank at World Bank. Ang AIIB ay isang multi-lateral lending institution na pag-aari ng iba't ibang bansa. Layunin nitong paunlarin ang rehiyon.
Sinabi na ni Budget Secretary Benjamin Diokno na nag-iipon na ng salapi ang bansa para sa paglahok sa AIIB.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |