|
||||||||
|
||
Bise Presidente Robredo pinatalsik upang maitago ang mga binabalak ng pamahalaan
INALIS si Vice President Leni Robredo sa kanyang puesto sa gabinete sapagkat ayaw ng administrasyong mabatid ng pinakamataas na kasapi ng Partido Liberal ang mga itinatagong balak.
Sinabi ni Albay Congressman Edcel lagman, isang kasapi ng oposisyon at kapwa miyembro ng partido ni Gng. Robredo na ang pagtatakip sa mga lihim na balak ang dahilan ng pagbabawal sa pagdalo sa mga pulong ng gabinete.
Si Robredo ang namumuno sa partido ngayon hanggang sa maghalal ng mga bagong pinuno sa susunod na taon. Hinihiling na kay Gng. Robredo na pamunuan ang oposisyon.
Hindi umano batid ni G. Lagman ang mga balak na ito subalit may posibilidad na kabilang ang pagdedeklara ng Martial Law.
Sinabi naman ni Northern Samar Congressman Raul Daza na maaaring ginawang halimbawa ni G. Duterte ang kanyang ginawa kay Gng. Robredo upang balaan ang iba pang mga kasapi ng gabinete.
Maari umanong bibigyang halaga ni Pangulong Duterte ang pagsunod sa kanyang mga programa. Kung nagawa umano sa pangalawang pangulo, magagawa rin ito sa iba pang mga opisyal.
Kabilang si Gng. Robredo sa mga tumuligsa sa pagpapalibing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani kamakailan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |